|
Post by anne on May 21, 2003 1:22:14 GMT -5
Pips, share niyo naman ang mga pabibo moments niyo. Ako marami akong pabibo moments e. Nakakahiya pero ok lang kaya nga pabibo e para masaya. There was a time nung ako'y ustedyante pa napagkamalan kong mini skirt ang tube. Di kasi ako masyado mahilig sa damit kaya pati tube hindi ko alam. Sabi ko pa sa classmate ko sobrang liit naman ng skirt mukang di ata magkakasya sakin to pagsinubukan ko to. ;D ;D Another instance is nung pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko kasi birthday niya pinakain niya ako sa bahay nila. May isang plato kasi ng spaghetti yun sa sobrang pabibo ko kala ko para sakin yung plato na yun hinahalo ko na nga e muntik ko ng isubo...hehehe lumabas ang katakawan ko sobrang sarap kasi ng pagkain e. ;D ;D
|
|
|
Post by anne on May 23, 2003 0:40:11 GMT -5
may idadagdag ako sa pabibo moments ko. Tumawag sakin sa landline si prince charming jeremy ng Business Trends, isang call center company, for my schedule of interview and exam. Nang banggitin niya yung Vertex Solutions kala ko dun ako pupunta para magexam at 2nd interview ako naman masyadong pabibo kaya napahiya ako ng di oras di pa siya tapos magsalita bibigay palang niya yung address binara ko siya kagad sabay nakalimutan ko kung ano name ng bldg sa ortigas sabi ko "alam ko na po yan kasi galing na po ako diyan dati naginterview po ako." Tapos tinanong niya ako kung saan hirap akong sumagot dahil namental block ako sabi ko sa kanya "near podium" nagulat siya tapos tinanong niya ako kung sa wynsum corporate plaza sabi ko "yes, dun nga po" pero ang nangyari napahiya ako kasi hindi naman pala dun kundi sa jollibee plaza. Hay...masyado kasi akong pabibo ayan napahiya ako ng di oras. ;D
|
|
|
Post by anne on May 30, 2003 23:04:01 GMT -5
Isa pa palang pabibo moments ko nung 2nd year 2nd sem February 9, 2000 memorable ang date na yun kasi intercollegiate drama showcase yun e at section namin sa AB ang representative para sa competition kami kasi panalo sa competition sa AB at kami rin nagchampion sa showcase. Anyways, buti nga nanalo kami kahit na nagpabibo ako na di ko sinasadya dahil sa sobrang kabado ko nahipan ko yung candle na hawak ko samantalang di pa dapat hipan yun. Buti nga di nahalata dahil yung candle ko lang ang namatay. ;D
|
|
|
Post by swirL on Jun 1, 2003 4:24:49 GMT -5
hahaha, dami din palang pabibo moments itong c anne eh! ;D ako ang dami nakakahiya na!post ko dito sometime iipunin ko muna ung mga natatandaan ko... ;D
|
|
|
Post by anne on Jun 7, 2003 12:35:42 GMT -5
Another pabibo moment ko ay nung magmit kami ng best friend ko sa mcdo north ave cor mindanao ave para isama sa bahay namin sa sobrang pabibo ko at medyo bangag pinush ko yung door sa may mindanao ave side e nakalagay dun use the other door at nakaharang pa si ronald mcdonald. Hay...grabe the day that was...sobrang nakakahiya pinagtawanan pa ako ng best friend ko.
|
|
|
Post by anne on Jun 30, 2003 4:58:04 GMT -5
Isa pang pabibo moment ko na sobrang nakakahiya. Sa exam namin sa Rizal Course kay Sir Candido about Rizal sa Dapitan, kakaiba ang pagpapabibo ko kasi nagmagaling pa ako...di ko na matandaan kung ano ang eksaktong nilagay ko sa essay (bangag pa ako that time) basta ang di ko makakalimutan dun nilagay ko na binaril si rizal sa dapitan. Grabe! sobrang nakakahiya di man binanggit ni sir pangalan ko binasa niya yung sagot ko sa buong class at talagang pinagtawanan niya ako. Tapos nagcomment siya sa paper ko na parang nakalimutan ko na ang Philippine history kaya dapat kaialangan balikan at pagaralan ko ulit.
|
|
|
Post by shir on Jun 30, 2003 5:10:11 GMT -5
TEXTahihi! nde nman ako msydo bibo kaya wla ako mshare..embarassing moments mdme... hehehe!!! ska ko nlang share kc nkakahiya! hehehe! ;D
|
|
|
Post by DrkAngeL on Jul 6, 2003 9:21:48 GMT -5
wow dami mo na palang experience ate anne, hehehe
ung sa kin di ko na lang lagay kasi sobrang nakakahiya, hehehe
|
|
|
Post by anne on Oct 13, 2003 6:16:08 GMT -5
TEXTahihi! nde nman ako msydo bibo kaya wla ako mshare..embarassing moments mdme... hehehe!!! ska ko nlang share kc nkakahiya! hehehe! ;D Hahaha ;D di daw masyadong bibo e ikaw nga ang pinakabibong batang nakilala ko. Titulo mo yan walang aagaw sayo niyan. Dapat share mo na daya mo di mo ko dinadamayan sa pagkabibo. Sige yaw mo i-share ako magsshare ng isang pabibo moment mo. Etong isa: Sa ating mini eb (ilan lang ba tayo nun? 4 palang bago dumating si jhoanna) haha andun tayo sa may colayco sa tapat ng likod ng main building hinihintay si jhoanna sa sobrang kakulitan ni darwin nailuwa mo ang mentos na binigay ko sayo. ;D ;D ;D Yung iba diyan magcontribute sa pabibo moments ni shir...
|
|
|
Post by darkwing on Oct 13, 2003 23:54:16 GMT -5
nasa TEXTahihi! nde nman ako msydo bibo kaya wla ako mshare..embarassing moments mdme... hehehe!!! ska ko nlang share kc nkakahiya! hehehe! ;D totoo b to? ?
|
|
|
Post by anne on Oct 26, 2003 22:59:45 GMT -5
Oo nga isa yan malaking kacharingan...meron pang isang pabibo moment yan nakalimutan ko lang...ano nga ba yun? Yan si shir di nawawalan ng pabibo moments yan tuwing magkikita kami para sa bonding session namin.
|
|
|
Post by shir on Nov 17, 2003 0:48:12 GMT -5
oi pato ikaw inaaway mu nnnman ako porket nde nko nkkpagbasa! nde ako pabibo gifted child lang tlga ako! luv u guys! c yah soon! momsie sa 25 ha! babay!
|
|
|
Post by anne on Nov 17, 2003 1:20:46 GMT -5
Ahaha oo gifted child ka sa pagpapabibo you really make us happy shir. ;D
|
|
|
Post by darkwing on Nov 28, 2003 21:03:32 GMT -5
gifted o special??? sbi mo dti special ka ah! haha!!! ;D
|
|
|
Post by anne on Nov 30, 2003 4:26:07 GMT -5
si shir ay gifted child ikaw special child ka
|
|
|
Post by shir on Dec 16, 2003 2:23:00 GMT -5
tama gifted child ako.. kc god gave me mdmeng gifts.. hehehe!!! kso wla pa ung gg ko!!!!!!!! hehehe!!! pro its olryt il wait nlang! ;D
|
|
|
Post by anne on Dec 19, 2003 11:30:11 GMT -5
Ayan may panibago nanaman akong pabibong kwento sa buhay ko di niyo na kailangan ipagkalat sa buong madla ang pagkabibo ko sa mga nakakaalam diyan lalong lalo ka na iceburner at kayo rin em-ar at sadako, kayong mga nakakita at naguto sakin. Habang nakatambay kami nila emar, victor, clarice, at cheyl sa calderon may nagbigay ng libreng candy cane samin. First time ko makakain ng candy cane kaya di ko alam kung paano siya kainin kaya ayun engot ako nagtanong ako pinaalam ko sa kanila ang kamangmangan ko sa pagkain ng candy cane. Ang sabi sakin ni victor kinakain daw yung candy kasama yung balat na papel. Naki agree naman sa kalokohan tong si emar sabi niya tulad daw yun ng white rabbit. Babalatan ko na sana pinigilan pa ako ni victor at pinagpipilitan na kasama yung balat pag kinain yung candy siyempre parang di parin ako convince nun maya maya andyan na si sadako habang nagfifillup ng form tinanong ko siya thinking na hindi niya ako lolokohin ayun nung sabihin niyang di na binabalatan yun naniwala na ako sabay napilitan sa kakulitan ni victor kaya ang nangyari ayun pinutol ko ang isang parte ng candy cane sabay subo. Tapos ayun pinagtawanan na ako ng mga anak ko. Dahil diyan sa incident na yan, naintindihan ko na yung sinabi ni darwin sakin noon na pag hindi mo alam wag ka na magtanong. Ngayon alam ko na ang napapala ng pagtatanong sa isang bagay na mangmang ka. Lesson learned: Huwag mo ipagbigay alam ang iyong kamangmangan sa mga bagay bagay.
|
|
|
Post by cleng on Jan 6, 2004 0:53:51 GMT -5
aun pala un! kasama nyo me n nktambay dun pero di ko alam kung anong nangyari! Kaya pala tawa ng tawa cna ehm-ar! ;D busy kc me msyado sa pakikipagchismisan sa iba eh! Sana momsie sakin ka nagtanong, di kita lolokohin PROMISE! ;D
|
|
|
Post by *haRuko.RinOa* on Jan 6, 2004 1:02:14 GMT -5
wushu! hndi daw! if i know mas malala pa ang sa2bihin mo! haha... la akong ksalanan dun! hehe.. *nagmalinis daw!**
|
|
|
Post by *haRuko.RinOa* on Jan 6, 2004 1:03:23 GMT -5
tanong ko lang... masarap nman po dba? kya nga di mo na niluwa eh! peace!! ;D
|
|